(words & music jun & mila asuncion. Ito ay handog namin sa darating na Asuncion Clan reunion)
Intro:
Ihanda ang sariling mabuhay ng tahimik
Sa piling ng Maykapal, ang buhay ay kayamanan
Pagkat may patutunguhan.
Bridge:
Malayo man at mahirap ang daan
Ito ay tahakin, lumakad ka kaibigan.
Chorus:
Likas ng tao ang matakot sa daan
Hindi alam kong saan patutungo.
Huwag mabahala, kaibigan
Pagkat ika’y hindi nag-iisa
Kung tatanggapin mo siya
Ng buong puso’t kaluluwa.
Outro:
Siya ang may-alam
Daang ating patutunguhan
Hawak Niya ang ngayon, bukas at kahapon.
(repeat Chorus and Outro /… End )